Thursday, January 31, 2013

LOSERS with a DREAM: Losers #2



LOSERS #2
RECESS
Nakaupo ako ngayon sa cafeteria table habang pinaglalaruan ko ang aking pagkain. Hindi dahil sa hindi ito masarap, kundi dahil wala pa akong ganang kumain.
Napansin yata ni Neji na matamlay ako, at kinuha ang aking pagkain na siya namang ikinabigla ko.
“Neji! Ano ba! Akin yan!” Sigaw ko habang trina-try kong bawiin ang pagkain na inagaw niya. -_-
“Alam mo bang masama ang pinag-lalaruan ang pagkain, kung ayaw mo, ibigay mo sa iba, hindi yung sinasayang mo,” -_-

Aish! eto na naman siya eh! Nagpapaka-tatay mode! May mga panahon talaga na bipolar tong si Neji. -_-
I sighed out of frustration at pinabayaan ko nalang siya na kunin ang pagkain ko, nakita kong unti-unti niya itong inuubos. Tinitigan ko nalang siya habang kumakain.
Pero may biglang pumasok sa isipan ko. Bat parang hindi apektado si Neji sa mga nangyayari? bakit parang hindi siya apektado na hindi na kami makilala ni Jasteen? bakit parang hindi siya naguguluhan sa mga pagbabago ni Jasteen?
Hmmmmm… Something’s FISHY (=_=)
Tinitigan ko siya ulit at nang mas maigi, naimagine ko tuloy na nasa pelikula ako, at si Neji ay isang criminal na aking iniimbestigan! =p
Nahalata niya siguro ang aking ginagawa at binigyan ako ng ‘what-the-heck-are-you-doing-look’ pero hindi ko ito pinansin! ang alam ko lang! There’s something fishy about him!! T_T
“What the heck are you doing Hannah?” siguro nawe-wierduhan na siya sa mga ginagawa ko kaya niya ito nasabi.
“Neji, there’s something fishy about you?” I tell him.
“Fudge naman Hannah, tumigil kana nga, you and your lame jokes again,nagiging creepy ka na,” sabi niya sabay subo sa kanyang pagkain.
Aba? Mukha ba akong nagbibiro? Oo, alam kong nagmumukha na akong baliw dito! pero Hell No way was I joking! Alam kong may alam siyang hindi niya sinasabi, and I know it because his acting guilty like how he normally does when his lying to me! Oh please, Neji’s my childhood friend, bituka pa lang niya kilala ko na! and I know he’s hiding something from me.
“Spill it out,” I order him.
“What?”
“Alam kong may alam ka kung bakit nagkaganyan si Jasteen, so Neji, PLEASE TELL ME!” I begged him.
“Kanina ko pa bina-brainstorm ang utak ko of reasons kung bakit ako ginaganito ni Jasteen! But I couldn’t think of any! Imposible naman na nagka-amnesia siya at tayo lang ang hindi naalala samantalang naaalala niya ang iba nating mga classmates! THAT’S UTTERLY UNFAIR!” Napalakas yata ang boses ko dahil ngayon ay tinititigan kami ng ibang mga tao dito sa cafeteria.
But I didn’t mind them, masyadong akong focus kay Neji. Nakita ko na lang siyang tumayo at tumalikod ng hindi man lang sinasagot ang aking tanong!
FUDGE naman eh! Bat siya nag-walkout?! Neji naman kasi alam kong may alam ka, bat ayaw mong sabihin?! eh kung pasabugin ko kaya bungo mo HAH?! -_-
Susundan ko sana siya pero may naramdaman akong humila sa may braso ko. Tiningnan ko kung sino ito pero bago pa mag-process sa utak ko kung sino siya, lumapit siya sa akin at bumulong sa aking tenga.
“Do you wanna know the reason why Jasteen left the country and treated you like that?”
Tiningnan ko siya ulit at don palang nagprocess sa utak ko kung sino siya. Siya yung guy na kasama ni Jasteen this morning. Yung gwapo =p. Ano nga ulit name niya? -_-
I nodded at bigla niya akong hinila papunta sa ‘who knows where?’
------------------------------------------------------------------
Pagkatapos ko marinig lahat ng mga sinabi ng lalaking na iyon na ‘who knows’ paren ang pangalan ay bumalik na ako sa classroom ko na half-human at half-alien. -_-
Feeling ko napunta ako sa ibang planeta ng malaman ko ang katotohan, para ngang mas mabuti pang mapunta ako sa ibang planeta dahil sa mga nalaman ko eh!
Hindi ko na alam! Masyado akong naguguluhan! Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa Gwapong yon o hinde.
Bigla ako napaisip, kaya pala hindi masabi-sabi sa akin ni Neji yung dahilan kasi wala siyang lakas ng loob, natatakot siyang baka magalit ako sa kanya.
Pagpasok ko ng room nakita kong nandon na siya, seryoso ang mukha na waring ang lalim ng iniisip. At dahil seatmate ko siya, umupo ako sa tabi niya. Bigla kong napansin na nagbago ang kanyang mukha ng makita niya akong umupo sa tabi niya, na para bang na-tense siya at hindi alam ang gagawin.
Tumingin lang ako ng diretso, ni minsan di ko siya linilingon. Sige!, yan bagay sayo! magdusa ka! May pa-walkout walkout effect ka pang nalalaman ha! Utot mo! =p
Pero di kong maiwasan na makita siya mula sa sulok ng mga mata ko. Napansin kong parang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili.
I took the moment na mag-initiate na magsalita na.
“Kaya mo ba hindi sinabi sa akin ang totoo kasi natatakot kang baka hindi kita maintindihan at magalit ako sayo….” Panimula ko,napansin kong lumingon siya sa akin na para bang nagtataka kung paano ko nalaman ang totoo.
“O sadyang torpe ka lang,” pag-tuloy ko sabay lingon sa kanya with matching taas-kilay pero EPIC FAIL kasi hindi ako marunong kaya gumawa nalang ako ng mataray na expression. T_T
Napayuko siya sa mga sinabi ko at biglang bumulong sa sarili. Mahina siya ngunit malakas na upang marinig ko.
“BOTH” he sighed.
Parang kumirot konti ang puso. I know it sounds cheesy and eww -_- Pati ako nandiri sa sinabi ko. Pero yun yung naramdaman ko eh. All this time, he lied to me. He made me look like a fool sa harap ni Jasteen.
Tumayo ako at umalis sa aking kinauupuan, Recess pa naman eh, I could still go anywhere that I want. Pagkalabas ko ng classroom nakita ko si Jasteen. Just the right person I wanted to see. I built up my courage to go approach her
“Jasteen!”
FAIL! Hindi niya narinig, bigla kasing nagsilabasan yung mga ibang babae sa ibang section at pinagkaguluhan siya. May mga naririnig akong nagsasabi na gumanda daw siya, idol na nila siya, at kung ano-ano pa!
Paulit-ulit ko siyang tinawag pero hindi niya parin ako marinig dahil sa mga bwisit na mga taong to na halata namang sumisipsip lang sa kanya! Eh kung pasabugin ko kaya mga mukha niyo! Harang kaya sa pag-momoment ko para mareunite na kami ni Jasteen eh!
Sa sobrang inis ko sumigaw ako ng sobrang lakas, “FREEEEZZEEEEE!!!!”
Bigla silang nagsihintuan sa mga ginagawa nila at tumingin sa akin. I smiled, finally I got their attention. IT’S TIME FOR TARAY MODE =p
“Woow!” Nagsimula ako maglakad ng mataray papunta kay Jasteen with matching palakpak. “Kung makasipsip kayo, wagas! Di pedeng ipagpatuloy bukas? Atat ba masyado?!,” Pagtataray kong sinabi.
Nagsimula na silang magsi-alisan. Yung iba inirapan ako, at yung iba nagbubulung-bulungan pa tungkol sa akin! Hala! pigilan niyo ako! Baka hindi ako makapag-pigil upakan ko tong mga sipsip na to! T_T
Bigla ako nakarining ng tawa sa likod ko at pagtingin ko si Jasteen iyon. Hindi siya yung tawang nakakatawa kundi tawang, parang pang-evil? ay basta! kakaiba yung tawa niya!
“Hindi ka pa rin nagbabago Hannah, Isa ka pa ring Loser,” Nabigla ako sa sinabi niya, hindi ito ang Jasteen na kilala ko noon, Ibang-iba na siya ngayon.
“Gusto mong makipagusap diba? Bakit? Ano pa bang paguusapan natin” Tanong niya sa akin. Lumingon-lingon ako sa paligid at napansin kong marami pang mga taong nagsi-silakadan sa hallway.
“Wag tayo dito, sa banyo tayo magusap,”
-----------------------------------
COMFORT ROOM:
“Jasteen, bakit ka ba talaga umalis? Dahil ba kay Neji? Please naman! alam mo namang----“
“SHUT UP!”
Nabigla ako sa sudden outburst niya. Nakita ko mula sa mukha niya na galit siya.
Nagkaroon ng awkward silence between us. Buti nalang walang tao dito sa CR.
“Pinagkatiwalaan kita Hannah, kala ko kaibigan kita, kala ko masasandalan kita pag kinakailangan kita! kala ko mabait ka! Pero linoko mo lang ako! Traydor ka!”
HEP HEP! Ako traydor?!! eh siya nga tong nang-iwan sa akin! tas ako tatawagin niyang traydor!! Hindi yata tama yon! -_-
Dahil sa hindi ko na rin napigilan ang sarili, napagtaasan ko na rin siya ng boses.
“Jasteen! For heaven’s sake! Hindi kita trinaydor! Hindi kita linoko! Kung tutuusin nga ikaw tong nantraydor sa akin! Umalis ka nalang bigla-bigla ng wala man lang pasabi. “
“For two freakin’ years, hindi ka man lang nagparamdam! Hindi mo ako rinereplyan sa mga messages ko! pati sa mga sulat ko! Hindi ka rin sumasagot! at ngayon sasabihin mo sa akin lahat to! dahil kay Neji?! You’re freaking pathetic,”
“Oo, I’m pathetic, kasi kinaibigan ko ang isang katulad mo, na isang mang-aagaw,” halos mangiyak-ngiyak niyang sinabi. “Alam mo namang from the very start sinabi ko na sayo na may gusto ako kay Neji diba?”
Tiningnan ko siya habang umiiyak siya, medyo nakaramdam ako ng pagka-guilty kasi nataasan ko siya ng boses. I still cared for her. I still cared for my bestfriend. Gusto ko siyang yakapin at icomfort.
Yayakapin ko sana siya pero umatras siya, pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang kamay niya, at binigyan ako ng isang deadly stare.
“Alam mo ba kung gaano kasakit malaman na ang taong mahal mo, may gusto sa bestfriend mo?”
Right then and there, my heart sank. Hindi ko alam kung sisisihin ko nga ba sarili ko sa mga nangyayareng ito. Pero apparently, sinisisi na ako ni Jasteen sa lahat ng nangyayari!
Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit niya ako sinisisi? hindi ko naman kasalanan diba? I thought of ways to reason out with her that everything was just a misunderstanding, pero nagulat ako nang bigla siyang nagsalit with those deadly stares of her.
“Hannah, magkalimutan na lang tayo, Lets pretend we don’t know each other. Ayoko kasing makaalala ng kaibigan na nangtratraydor.”
=’(

No comments:

Post a Comment