Wednesday, February 6, 2013

LOSERS with a DREAM: Losers #3



LOSERS #3
a/n: eto na po, ang "who know's guy" and Hannah Moments! Feeling ko ULIT boring tong chapter, pero atleast nag-update diba! =)
ENJOY.
----------------------------------------------------------------------------------------------------

Loser # 3:
Badtrip.
Sobra akong nababadtrip!
Gusto niya kaming magkalimutan?!
edi magkalimutan na!
.
.
Bumalik ulit ako ng classroom nang marinig kong tumunog ang bell na hudyat na dapat nang magsibalikan ang mga estudyante sa kanila’t kanilang mga silid.
Pagbukas ko nang pinto, nakita ko nang nakaupo si Jasteen sa kanyang kinauupuan. Tiningnan ko rin si Neji, andon rin siya nakaupo. -_-
Aish! Ayokong pumasok! Di ko pa sila kayang makita! Galit ako kay Jasteen kasi pilit niyang kinakalimutan ang pagkakaibigan namin! Galit rin ako kay Neji for not telling me the truth! >.<
Pero anong gagawin ko! Kelangan kong pumasok para maka-graduate! Hindi ko na afford magka-bad record pa! Kelangan kong maka-graduate!
This leaves me to no other choice. T_T
.
.
Umupo ako sa tabi ni “who knows” paren ang pangalan. Ayokong makatabi si Neji, baka hindi ako makapag-pigil pasabugin ko talaga bungo non. -_-
Bigla siyang nagulat sa bigla kong pag-upo sa tabi niya at tinaasan ako ng kilay na para bang nagsasabi ng what-are-you-doing?
“Galit ako kay Jasteen,”
“So?” tanong niya at hindi parin nawawala ang pagkaka-taas ng kilay niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ulit magsalita. “Galit rin ako kay Neji,”
“So? Eh ano naman sakin yon? Kung galit ka sa kanila wag mo akong idamay, bumalik ka na sa kinauupuan mo, ayoko nang may katabi,” pagtataray niyang sinabi habang nagbabasa ng libro.
Aba, antipatikong lalaking to! Wala man lang feelings! Hindi niya ba nafe-feel na nahihirapan ako sa sitwasyon ko? >.<
Tinatakwil ako ng bestfriend ko. Linoko ako ng kababata ko. Asus! wala nang tatalo sa problema ko noh! Mas malala pa yata problema ko kesa sa presedente ng Pilipinas!
“Wala ka man lang bang feelings? Hindi mo ba na-gegets na nahihirapan ako kaya ayoko muna sila makita at makatabi? pede kahit ngayon lang, pagbigyan mo kong tumabi sayo, wala na kasi ang maisip na tabihan kundi ikaw.” kalmado kong sinabi habang nakatingin sa kanyang mga mata para malaman niyang sincere ako.
Umiwas siya ng tingin at hindi na nagsalita, which I assume na pinapayagan niya na akong tumabi sa kanya.
Napangiti ako, at bumulong ng ‘thank you’ pero mukha namang hindi niya ako narinig kaya pinabayaan ko na lang.
Lets skip the chit-chat about the classes. As usual, tinulugan ko lang kasi lahat ng mga subjects. Kakaboring kasi! Kaka-antok! T_T
Nung nag-uwian na. Hindi ako makapag-decide kung uuwi na ba ako or hinde. Sigurado kasi akong nag-aabang si Neji sa may gate. Yun kasi ugali niya, hihintayin niya akong lumabas ng school at sabay kaming uuwi.
Pero diba nga galit ako sa kanya? Paano yun? Hinde na ako uuwi? Buong gabi na lang ako dito sa school?! -_-
AY! bahala na si Magellan! Pwede naman kasing umiwas diba?!  -_-
Dahan-dahan akong naglakad palabas sa school. Masusi kong tinitingnan ang paligid ko, I cant afford na makita pa ako Neji kasi sigurado akong hindi ako tatantanan non! May lahing super glue rin yon eh! DIKIT ng DIKIT!
Para tuloy akong ninja na sasabak sa gyera sa mga pinagkikilos ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao, pero wala akong pakealam! bakit sino ba sila HUH!? =p
Nang makalabas na ako ng school nang hindi nakikita si Neji, I sighed out of relief. Atleast ngayon wala na akong pro------
“HANNAH!!!!”
Ay Sh**! Patay! Nahuli ako ni Neji!
What to do?! What to do?! Dali Hannah! Mag-isip ka!!
.
.
Bigla kong nakita si “who knows guy”! Nakaupo siya sa motor niya habang sinusuot ang kanyang helmet!
Dali-dali akong tumakbo sa kanya, at umangkas sa motor niya!
Wala nang paalam-alam pa! This is a matter of life and death!! =p
“What the—“
“JUST DRIVE!” I order him. Hinahabol na kasi ako ni Neji eh. Sumunod naman ito at kumaripas ng takbo!
PHEW! =p
Habang nakaangkas ako sa motor niya, pahigpit ng pahigpit ang kapit ko sa may bewang niya. First time ko kasing sumakay ng motor, medyo kasi mabilis rin ang takbo niya and to say na wala pa akong suot na helmet! May mga moments pa nga na napapa-pikit ako kasi nangingibabaw ang takot sa akin.
Bigla ko nalang siya narinig na huminga ng malalim at ipinara ang motor sa isang sidewalk. Tinanggal niya ang mga kamay ko sa bewang niya ang bumaba. Akala ko nga pinapaalis niya na ako, kaya bumaba na ako at mag-sisimula sa nang mag-lakad nang hinila niya mga kamay ko.
Nagulat ako kasi parang may naramdaman akong kakaiba nung hinawakan niya mga kamay ko. Para bang, na-elektrikyut ako sa mga kamay niya.
Bigla niya akong hinila palapit sa kanya. As in super close na kami to the point na naririnig ko ang mga heavy sighs niya. Hindi ko siya tiningnan, nakatitig lang ako sa mga sapatos ko. Ayokong tumingala, more likely, nahihiya akong tumingala sa kanya.
Ewan ko ba kung ba’t ako nagkaka-ganito. Hindi ko naman to nararamdaman kay Neji eh! Eh bat nararamdaman ko to pagdating sa kanya!? ><’
Sige Hannah! Kalma lang! Chillax! Wag masyadong maging feeler! =p
Naramdaman ko na lang na inalis niya helmet niya sa ulo niya at isinuot ito sa ulo ko. Bale ako na ngayon ang nakahelmet.
Tiningnan ko siya na wari bang nagtataka kung ba’t niya yon ginawa, at nakuha niya naman ang gusto kong iparating sa kanya.
“Napansin ko kasi na kanina ka pa natatakot, yung totoo first time mo no? kung makakapit ka sa bewang ko, wagas!” sambit niya with those evil smiles of his!
Biglang nagbago tingin ko sa kanya, kala ko pa naman nagpapaka-gentleman siya! yun pala he just did that to mock me! Aish! ba’t ako nagpadala sa gwapong lalakeng to!!!!
o.O!
Ano daw Hannah??!! Gwapo??!!! ERASE ERASE ERASE!! Hindi siya gwapo okay! PANGET SIYA! ULIT!! TAKE TWO!!
.
.
Aish! ba’ kasi ako nagpadala sa panget na lalaking to!
Aawayin ko pa sa na siya, pero bigla niya akong  sinakay sa motor niya tsaka rin siya umangkas.
Hinawakan niya ulit mga kamay ko and again, I felt electricuted by his hands. Aalisin ko sana ang mga kamay ko mula sa kanya, pero hinigpitan niya lang ang kapit dito at inilagay sa may bewang niya.
“Kumapit ka ng mabuti ah, para hindi ka mahulog, I cant afford na may mangayari sayong masama.”
With those words that left me dumbfounded. Kumaripas na naman kami ng takbo. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero all I know is that, right now, I feel safe with him.
“And by the way, The name’s Cloud, in case na hindi mo pa alam.”

No comments:

Post a Comment