Thursday, January 31, 2013

LOSERS with a DREAM: Losers #1



LOSERS #1
Kriiing! Kriiing! Kriing!
Nagising ako sa tunog ng nakakainis kong alarm clock, kainis! panira talaga to sa happily ever after namin nang igaan ko! =p
Dali-dali ko na itong pinatay dahil sa nakakairitang tunog na ginagawa nito. Bumangon na ako agad-agad kahit medyo antok pa ako dala na rin siguro ng tuwa at excitement dahil ito na ang araw na matagal  ko ng hinihintay!
Ngayon darating si Jasteen! ang aking long-lost bestfriend. Matagal na kaming walang communication simula ng umalis siya sa Pilipinas papunta sa Amerika na wala man lang pasabi.

Nabigla ako at nasaktan nun! Umalis na lang kasi siya bigla-bigla na wala man lang pasabi. Ansakit kaya non! T_T
Naligo na ako at nagtoothbrush, saka ko isinuot ang aking uniporme na plinantsa ko pa ng todo-todo kahapon para maging presentable pagnakaharap ko na si Jasteen.
Sympre, halos dalawang taon ko na siyang hindi nakikita, ayoko namang magmukhang shunga pag nakita niya ulit ako diba. -_-
I then neatly combed my hair and wore a very cute hairband. I looked at myself at my full-length mirror to give myself a satisfying look, and I was ready. =)
Hindi na ako nagbreakfast sa bahay, nagpaalam na ako kay mommy na sa school nalang. Gusto ko kasing dumating ng maaga sa school. If I remember correctly, maagang dumadating si Jasteen sa school, good student yun eh! ni minsan hindi naging late yun o umabsent man lang, di katulad ko na panay absent.
Eh sa tinamaan ako ng katamaran! Kasalanan ko bang pinanganak akong tamad? Hindi naman diba! -_-
Kung hindi sa pangungulit ni Jasteen na pumasok ako, malamang nakickout na siguro ako sa dami kong mga absences.
Haayyy… habang nag-rereminisce ako sa mga masasayang memories namin ni Jasteen, bigla nalang akong nakarinig ng sigaw na para bang tinatawag ako. o.O
“Hooooy!!! Saglit nga!”
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Neji na hingal na hingal habang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Tumigil ako sa paglalakad para intayin siya.
Siya nga pala, si Neji, Kababata ko. Actually tatlo kaming magkakaibigan. Ako, si Jasteen, at si Neji. At sa aming tatlo, si Jasteen lang talaga ang good student, Tamad rin kasi yang si Neji, bansag nga sa amin ng mga kaklase namin ‘partners in crime’ daw kami. Paano ba naman kasi, nag-cucutting kami kung kelan namin gusto, sabay kaming nag-iisip ng strategy para makakopya sa mga kaklase namin, at parehas rin kaming nagiingay sa klase para mabwisit yung mga honor student pag nag-coconcentrate sila, basta! marami pa kaming mga kalokohan, hirap kasi e-enumerate, baka abutin tayo ng umaga! =p
“Aga mo yatang papasok ngayon, first time ata toh ah!” biro niya habang hinahabol niya pa ang kanyang hininga mula sa pagtakbo niya kanina.
“Wow! ako lang ba? eh ikaw bat ang aga mo?” biro ko pabalik sa kanya.
“Wala lang, napagisip-isip ko lang na magbagong buhay,” sambit niya habang nakatingin sa ulap na para bang nasa pelikula siya. For short, nagpapakaFEELER mode na naman siya.
“Utot mo! bagong buhay ka dyan! Mamamatay muna si Batman bago mangyare yon! Ang sabihin mo excited ka ring makita si Jasteen! Yung First LOVE MO!” Siniko ko siya sa may bewang sabay takbo ng mabilis dahil alam kong gagantihan niya rin ako.
Takbo ako ng takbo habang lumilingon sa kanya, natatakot akong baka mahabol niya ako. Halos hindi ko na nga tinitingnan ang dinadaan ko hanggang sa may prumenong sasakyan sa harap ko.
BEEEEPPP!! BEEEEPPP!!!
Sobra akong nabigla, konti nalang kasi ang pagitan namin nung sasakyan,konting-konti nalang masasagasaan na ako! sa sobrang pagkagulat ko napahinto ang ikot ng mundo ko, hinawakan ko ang mukha ko para tiyakin kung buhay pa ba ako. Nang na-realize kong buhay pa ako, magsosorry sana ako dun sa driver pero para bang nawalan ako ng boses ng makita ko ang sasakyan. Para kasing pamilyar eh.
 “Ms. Ano ba? Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo? Muntik ka nang masagasaan oh! Dahan-dahan naman sa pagtakbo!” Sigaw ni manong driver mula sa bintana ng kanyang magarang sasakyan.
Bigla ko na lang naramdaman na tumabi sa akin si Neji at humingi ng ‘sorry’ kay manong driver. Umalis na ang sasakyan na kanina ko pang pinagmamasdan at inaala kung saan ko ito nakita. Sobra kasi siyang pamilyar.
“Ui, Hannah, okay ka lang ba? Ikaw kasi takbo ka nang takbo, hindi ka man lang tumitingin sa dinadaan mo! Ano? nasaktan ka ba? Nasugatan ka ba?” pagaalalang sabi ni Neji.
“Neji, okay lang ako, buhay pa ako, wag masyadong OA, di bagay sayo” -_-
“Psh! Nag-aalala na nga eh, tara na! ma-late pa tayo” sambit niya sabay akbay sa shoulders ko na parang bang katropa niya lang ako -_- Grabeh! super UNgentleman!
---------------------------------------------------
Classroom:
Aish! Bat wala pa si Jasteen! 2nd period na pero wala parin siya. Kanina pa ako naiinip eh.
“ui Neji, anong oras ba dadating si Jasteen? Kanina pa ako naiinip eh!” bulong ko kay Neji na sa kasalukuyang seatmate ko.
“Aba malay ko? Maghintay ka na lang muna diyan! Konting patience na lang,” Bulong niya pabalik sa akin.
Psh! patience my butt! wala yan sa vocabularyo ko! -_-
Habang inaaliw ko ang sarili ko para malibang kahit papaano gamit ang papel na sinusulatan ko ng kung ano-ano ay biglang bumukas ang pinto ng classroom namin. Napa-upo ako bigla ng maayos hoping na sana si Jasteen na iyon.
And indeed it was. Mayroong dalawang estudyanteng pumasok sa classroom kasama ang vice-principal namin.
Una akong napatingin don sa lalake, gwapo siya, matangkad, mukhang matalino at sophisticated, siguro dahil na rin sa tindig niya. Tindig mayaman eh!
At nabaling ang tingin ko dun sa babae, and it was JASTEEN! but slightly different..
Hindi na kasi sya yung parang dati na mahiyain at kung tumayo nakayuko dahil natatakot siyang tumingin sa maraming tao. Ngayon, nakatayo siya with her head held high, full of confidence. Napansin ko rin na iba na ang buhok niya, may mga green highlights sa baba, at medyo nagiba ang itsura niya. Gumanda siya.
Nung una, I was having second thoughts kung si Jasteen nga ba talaga yon, She was so different from the last time I’ve seen her, tiningnan ko rin si Neji at napansin kong parehas kami ni reaksyon. Pero kung titingnan mo ng mabuti si Jasteen nga yon!
 Inintruduce sila ng paisa-isa ng vice-principal namin, pero dala na siguro ng saya ko nang muli kong nakita si Jasteen, ay napatayo ako sa kinauupuan ako at niyakap ko siya ng mahigpit! sa harap ng buong klase.
Maraming nabigla sa ginawa ko, maging ang vice-principal namin at yung lalaking katabi niya na hindi ko alam ang pangalan dahil hindi ako nakikinig nung inintruduce niya ang mga ito. =p
“OMG! Jasteen! Long time no see! Sobrang namiss kita as in to the Max, Max, Max! Bat ngayon ka lang bumalik! Bat di ka nagparamdam! Alam mo bang sobra akong umiyak nung nalaman kong pumunta ka sa America! eh ikaw naman kasi bruha ka! aalis-alis di man lang nagsasabi---“ Sinabi ko lahat yun habang yakap-yakap ko siya, pero naputol ako sa pagsasalita ng bigla niya akong itinulak na naging dahilan ng pagsalpok ko sa sahig.
Pero mas nabigla ako sa mga susunod na mga katagang sinabi niya.
“Excuse me Ms.  Do I even know you?” Sambit niya with matching taas-kilay.
Teka WAIT! FREEZE!
Ano daw ulit? Hindi masyadong nagprocess sa utak ko ang sinabi niya eh!
“H-Huh” utal kong sinabi. Sana nabibingi lang ako, sana hindi yon ang mga sinabi niya! PLEASE! sana nabibingi lang ako! Parang awa niyo na!
“I said, do I even know you?”
Tumayo na ako mula sa sahig, at inayos ang aking nagusot na uniporme. I tried to calmed myself, baka hindi lang ako namumukaan ni Jasteen, syempre matagal-tagal rin kaming hindi nagkita,I can’t help it kung gumanda ako para hindi niya ako mamukaan, baka pag-sinabi ko ang pangalan ko maaalala niya na ako. ^_^
Ngumiti muna ako sa kanya bago ako nagsalita.
“Uii, Bruha, ano kaba! Gumanda lang ‘di mo na mamukaan! Ako to, ang bestfriend mo! si Hannah Vinecia,” pagmamalaki kong sinabi.
Pero hindi siya ngumit, instead hindi ko matansya ang mukha niya, wala akong nakikitang emosyon mula sa kanya.
Bigla ako nakaramdan ng kirot sa puso ko. Sana naaalala niya ako. Imposible naman na nakalimutan niya ako, Magbestfriend kami eh! Marami kaming pinagdaanan together, Imposible namang makakalimutan niya yon sa loob lamang ng dalawang taon!
“I’m sorry, I don’t remember having a best friend named Hannah Vinecia,”
=’(

No comments:

Post a Comment